mixtures

life is a mixture of different thoughts and emotions... let me share some of them with you.

Aug
5

Farewell and thank you, Madam Cory! You will always be remembered in our hearts.

Jul
27

Top 10 List of Emerging Influential Blogs of 2009

It's a yearly writing project by Ms Janette Toral of Influential Blogger.

These are blogs that started anytime from May 1, 2008 to the present. They are gradually gaining a considerable amount of readership and influence. They also blog for various reasons such as expression of thoughts, sharing of knowledge and insights, events reporting or coverage, and some for profit.

Here is my top ten nominees

1. Zorlone by Doc Z
2. The Struggling Blogger by Roy
3. Father Blogger by Angel
4. Writing to Exhale by Jan
5. Tales from the Mom Side by Dee
6. Kelvinonian by Kelvin
7. A walk in the dark by Luke
8. It's all a matter of perspective, mine by Holly
9. Lifelots by Irene
10. I love/hate America by Bingkee


For more information about this contest, please visit Ms. Janette Toral's page.

This event will not be possible without thanking our sponsors:

Absolute Traders, My Brute Cheats, Business Summaries, Fitness Advantage Club, Events and Corporate Video, Events at Work, Dominguez Marketing Communications, Red Mobile, and Blog4Reviews.com.

Jul
27

perfection is out of my mind coz i know i can never ever be ideal

what i am and who i am make me real,

no pretensions and no illusions at all...

i may have done wrong things in the past, i apologize for that.

but if i have done something wrong that i am not aware of, please do tell me and forgive me...

help me make my mistakes get corrected

coz i don't want to hurt anybody and i don't want people to get mad at me...


especially those whom i call and treat as FRIENDS...

Jul
19

28. minsang umakyat sa flat rocks na ang suot ay boots! kaya nyo yon? hehehe kasi naman, walang pasok kaya naki-join sa class ni sir cadapan. ayun, sakit ng paa ang inabot!

29. nawala ang wallet ko. january 5, 2000, tuesday. di ko alam kung sa jeep ba o sa crop prot lecture hall. ayun, walang allowance for the whole week. buti na lang at nakapamili na ako ng food nang monday kaya me nakain din naman nang isang linggo. di ako umuwi para humingi ng pera kasi magagalit nanay ko. umutang muna ako kay shirley ng P50 at yun ang ginastos ko till friday. naglakad na lang pag uwian after skul at wala munang gastos na kahit ano. salamat na lang at walang masyadong pina-xerox na handouts nung time na yon..whew! I SURVIVED!!!

30. nagselos sa isang sis kasi close cya sa mga naging crush ko... wag nyo na po alamin... past na yun! hehehe

31. minsang mag-dinner sa Salad Country, nainis sa isang brod kasi pinaalis ako sa upuan kasi gustong paupuin si jc. eh i was eating na kaya... ayun, mega inis talaga that night.... hehehe... again, tapos na po yun! just for laughs!

32. sinundo ako ni LANCER sa haus at nabangga ang car nya... konting gasgas lang naman... hiya talaga ako! medyo naging close kami pero di rin naging ok kasi magkaiba kami ng trip.

33. bday ni LANCER at sinulatan nina LMDR, Ben, Len, Cha at Chinit yung P10 bill ng happy birthday! haha... as if ako yung me birthday... january 25 yon...

34. during the homecoming 2001, may pindala si mam cervancia na honey... nalimutan ng isang brod yung honey kaya akin na lang.... alam nyo ba kung sinong brod yun??? hehehe... wag magagalit! si BEN... hehehe

35. ang makasaysayang EDSA 2! ay grabe, napasabit at ayun, derecho na! isa pa ako sa may hawak ng box ng zesto tas pag titigil ang jeep sa highway, bababa kami at kakatok sa mga bintana ng ssakyan... para saan ang money??? pamasahi pauwi! hehehe... ayun, successful naman ang movement, napatalsik si Erap.. awts!

36. isang beses, february 14 nun. sumama sa mob ng No to TFI (tuition fee increase) sa mendiola. kasama sina cha and chinit nun. hehehe... me exam pa ako ng gabi sa ansc kaya kahit di pa tapos ang program sa mendiola, ti-nry makauwi. pero di na nakaabot sa exam... kinabukasan, ayaw kami pakunin ng exam ni sir peñalba kasi absent daw kami. pero in the end nanalo din kami at binigyan ng special exam.

37. nanood ng Miss SAIgon with ate aimee, kuya henry, ang chang marvs... feb 3, 2001. nakow, pano naman ang motif ay semi-formal. so ako nanghiram pa ng damit ke len. ayun, suot na kami ng aming mga kaganda-gandang damit. aba, pagdating dun, pucha, me naka-maong at shirt pa! tapos nakatapat pa kami sa aircon kaya ginaw na ginaw kami. buti na lang at me shawl si chang kaya kahit pano natakpan ang mga likod namin! grrrr talaga!!!

38. nanood ng cathouse with sisses and brods... hehehe... ayun, pinagtawanan ang mga characters!!! pano, para naman kasing ewan yung mga tao dun sa movie...

39. natalo ang entomsoc sa finals ng basketball girls kasi na-injure si cha... hay... sayang...

40. nagtrip kami sa nagcarlan.interview ng mga nagtatrabaho at residents dun. tapos hiking sa bundok habang kumakain ng saging... kaya lang na-sprain ako tas buti na lang etong mabait na brod ko na si Darwin eh minassage naman ang paa ko...ayun, okey naman. hehehe...

41. nalungkot ang isang brod nung magpunta sa states ang isang sis... alam nyo na kung sino yun! pero cyempre kami rin nalungkot kasi umalis cya, a day before her birthday. kaya nung birthday nya, di namin alam kung magcelebrate ba o hindi... kasi wala ang celebrant.

42. Parolan sa elbi... nanalo si shem na Ms. Parolan. cympre happy kami noh! buti na nga lang at natapos kami ni LMDR ng exam sa microbio kaya nakaabot pa rin kami sa program. sakto nga na si shem yung nagsasalita about our parol...

43. sino ba naman ang hindi makakalimot sa Oblation Run... well, babae, lalaki, at mga ka-federayon ay nanonood nyan, studyante man o prof. hehehe... maraming variations, bahala ka nang tumingin. well, hanggang tingin lang naman talaga yun eh. then after ng tour nila sa whole campus, mag line-up sa harap ng humanities bldg at gagayahin si oble. pyesta na naman ang mga lola mo!

44. naalala ko na naman ang dorm... masarap maligo sa dorm, laging warm water ipapaligo mo. tapos sa gabi, kelangan mong mag-ipon kasi sinasara nila ang tangke ng tubig kaya hanggang 9 or 10 lang me tubig. pag umaga naman mga 5 or 5:30 pa magkakatubig.

may curfew sa dorm. kailangan mong mag-late permit kung di ka makakauwi ng before 10pm. cympre me reason kung bakit... diskarte mo na yun. eh minsan kahit walang late permit, nakakapasok pa rin dahil sa friendly guard. hehehe

ang tuna sandwich ni ate zen sa men's dorm. chalap, chalap!!!

open house tuwing february ang masaya! kung sino-sino ang pumupunta sa rooms at naghahanda ng food para sa mga bisita. one time, nagluto kami ng lumpiang shanghai sa room na ang gamit ay rice cooker. hehehe... ayun, okei pa naman ang rice cooker. hehehe

45. ang walang kamatayang old notes ng mga brods ang sisses na hinihiram pag malapit na ang exam. o kaya naman yung mga old lab activities lalo na sa mahihirap na subjects. advantage talaga kung me org ka... hehehe...

46. nauubos ang pera ko kakapa-xerox ng notes and reading materials. star copy ang paborito ng mga prof na iwanan ng mga notes nila. pag naman tinatamad kang kumopya ng lecture, pwede ring hiramin ang notes ng classmate at ipa-photo copy

47. minsan nagkita kami ni rey mcdarwin sa freedom park. ayun, kwentuhan sa gitna ng field. biglang umulan. akalain mo, wlang tumayo sa min... basa kung basa! lakas ng trip! buti na lang hindi gaano matagal kaya di kmi masyado nabasa.

48. nanood kami ni cha ng sine. ang baon namin ay cake na binili sa mernel's. ang problema, pano namin kakainin ang cake? alangan naman na kamayin namin! so, sabi ko, punta kami sa jollibee. bumili kami ng drinks at humingi ng spoons ang forks... ayun, solve ang problema! nanood ng sine at kumain ng cake habang nanonood! enjoy!

49. ang tindahan ni ate viols sa biosci na patok na patok sa mga estudyante. ang paborito ko dun eh carbonara at sandwich. hehehe... sarap!

50. sa UP, walang uniform. kaya naman kung ano-ano ang sinsuot ng mga tao. jeans, shirt, casual, formal, pambahay, at kung ano-ano pa. pag marami pang damit, ayan, mga pants pa at okei na shirt ang suot. pero pag wala nang maisuot, lumalabas na ng skirt at bestida... hehehe... no choice kasi!

minsan napagtripan namin ni sigred na mag-suot ng high school uniform sa campus. pero di ko kinaya suotin ang blouse kaya yung skirt na lang... okei naman, nung pagsakay ko ng tricycle sa may amin, akala ng driver high school pa ko kaya dun ako sa skul ko ng high school ako dadalhin. kaya sabi ko manong, di na po ako dun nag-aaral... graduate na po ako... hehehe :-)

Jul
15

1. first block encounter... dun ko na meet ang blockmates at na surprise ako nung malaman ko na blockmate ko ang classmate (and crush) ko nung elementary! wOw! well... alamin nyo na lang kung sino yun!

2. naiwan nung nag campus tour... sino nga ba ang kasama ko nun??? tinry namin habulin ang bus pero di na namin nahabol. tapos nung nakita naming parating na, mega tago kaming dalawa sa malaking puno ng pili sa may agronomy.

3. first time mag boarding haus pero di ako nag enjoy. kasama ko ang bestfriend ko nung high school at sabay din kaming umalis sa bhaus... ewan ko ba... di namin ma-carry ang atmosphere dun! sobrang banal ng mga tao eh mga kampon ata kami eh... ayun, umuwi na lang kami pareho... mas enjoy pa!

4. so disappointed sa P.E ko na judo! pano ba naman, halos magka-bali-bali na ang buto ko eh di pa rin ako nakakuha ng 1! bad trip!

5. ang walang kamtayang concert ng UP Ensembles... walang pinapalampas to! lahat pinanood ko. cympre andun si Darwin, ang brod ko na naging crush ko... haha... at cympre di mawawala yung pagsigaw ng "i Love you, Darwin!" tapos sabay hagikgik! Adik!

6. bago mag-major, mega discuss ang mga friends kung anong ime-major. ewan ko ba, anung karisma nitong si Cha at napasama ako sa Entom... ayun, okey naman at nakumpleto ang college life ko.

7. si Sani-boy, ang terror na prof na inaayawan ng marami sa SOSC II. marami daw kasing binabagsak at pinapalabas pag di makasagot sa recitation. aba, sa tapang ko, tinuloy pa rin kahit cya ang prof... haha.. una pa lang me assignment na! at ang lakas ng loob ko, dahit wala akong book, nilapitan ko cya at tinry manghiram ng book sa kanya... ang sagot nya... "try to go to the library ng borrow the book there"... oo nga naman... pero hindi naman ako natakot sa kanya. natatandaan ko pag magcheck cya ng attendance, yung classcard nilalapag nya ng pa-bagsak sa mesa. tapos one time, malapit na ako ma-late sa class nya kaya tumatakbo ako. then nakita ko nakasara yung pinto kaya tinulak ko. di ko alam, nasa likod pala cya ng pinto kaya pag-tulak ko, ayun, muntik na cya mapa-subsob sa first row.... sorry po! di ko sinasadya! in the end, i got 2.5... okei na yun kesa inc or 5.0 noh...

8. walang humpay na pagsasagot ng workbook sa COMM 1. sa library pa nagkikita ang blockmates at pandalas ng kopya ng mga sagot. hahaha

9. naging college scholar nung 2nd year na ako... wow proud naman ako sa sarili ko nun... ba, minsan lang yun noh!

10. pumasok sa entomsoc nung 2nd year... ang dami naming mag batchmates... Antz 2000... lagi kami nagtatalo ni Ben nun... pero kalaunan naging ok na rin naman... miss u ben!

Cha - eto ang pinaka-close ko na sis sa org. ka-buddy at super galing sa maraming bagay - kumanta, magluto, tumugtog ng musical instruments at hight sa lahat, no dull moments pag kasama mo cya... multi talented. in short, bibo kid! di ko malimutan yung pagtulog namin sa haus nila. kami nina len. sama-sama kami sa bed nya tapos si Scodd nasa lapag... takot ako sa mga dogs nila kasi ang laki ba naman. pero si Scodd ok lang kasi maliit lang.

Len - classmate ko nung elem. surprised ako nung makita ko cya sa elbi at nung malaman ko na magiging sis ko sa org. pero hapi rin ako! lagi ko yan pinapasan sa likod ko kasi ubod ng payat at ang gaan buhatin. hehehe. ito ang taong super bilis ng metabolism kasi sa McDo, oorder yan ng meal tas ipa-upsize lahat. cympre ubos nya yon, pero di naman tumataba! ka-inggit naman!

Shem - cya ang dahilan kung bakit ako nakarating ng baguio... sa kanila ako nag-stay for one week at super na-enjoy ko talaga ang stay ko dun kasi super warm ng pag-tanggap nila sa kin. dun ako unang nakatikim ng pinikpikang manok.

Chinit - tawag ko jan, si chinititi... wala lang! kulit lang. mabait yan, makulit at magaling din kumanta. actually, maraming magaling kumanta sa entomsoc eh... kaya pag me quiz contest, di na kelangan ng guest singer...

Roel - mabait yan at laging naka-bati. kahit saan ka makita i-greet ka nyan with matching shakehand at tapik sa balikat. lakas maghilik nyan! hehehe. peace bro! naging sila ni ody (classmate ko rin nung elem) at sila na rin ang nagkatuluyan! hehehe... ang famous line nya, "ayaw kumain ni mimi!"

Ben - ang blockmate ko na naging brod. lagi kami nagtatalo dahil sa maraming bagay. pero di naman seryosohan. mga inisan lang konti. magkasama kami sa PE na line dance at super enjoy namin yon! tapos tabi pa kami sa class sa physics. kaya naging close na rin kami nyan. ginawan pa nga nya ako ng design ng wedding gown pero till now, di ko pa nagagamit. i still have it bro!yan din ang nagsulat sa dear U ng mga predictions at yung iba ay nagkatotoo sa akin! grabe ka ben, psychic ka no?

Rosy - isa pang blockmate ko na naging sis. tahimik at tipid ngumiti... asan ka na nga ba rosy? miss na kita! paramdam ka naman!

Abi - yan ang isa pa sa magaling na kumanta sa mga sis... ka-tandem ni gay and rosy sa maraming bagay. makulit din yan at minsan seryoso din.

Gay - frend ni abi. cya ang unang girl na nagbigay sa akin ng rose. kulay pink pa yon! mabait, makulit, maingay at seryoso pag seryoso parang si abi...

LMDR - kami daw ang magkatulad kasi mataray daw kami pareho. hehehe... matalino yan, as in! mabait din yan pag nakasundo mo.

Neil - ito ang brod ko na super thin. hehehe... tumaba na ba to? one thing na naapreciate ko jan eh yung pag visit nya sa haus namin pag nagpupunta cya ng aplaya. kaya lang ngayon hindi na kasi lumipat na kami ng haus... na-inlove yan kay saori... ewan, basted yata... hehehe

john - matalino din tong taong to. nag-best thesis cya at nag-exchange student sa US. hmp, la man lang pasalubong! naalala ko one time, dumaan kami sa tapat ng robinson's bigla ba naman nya ako sinigawan, ang sabi eh, "bakit ka ba sunod ng sunod? ano bang problema mo?" so ako, nakuha ko na agad kaya sinakyan ko naman, "eh bakit ba? masama ba, ha?". yung mga tao tumingin sa aming dalawa. tas pag layo namin sabay kaming nagtawanan! hehehe! lakas ng trip!

darwin - ang brod ko na naging crush ko. pinagselosan ko pa si Irene! kasi naman one night, nagtetext kami (di pa uso ang unli nun) ang sabi nya eh nanonood cya, Me, myself, ang Irene! ay shocks! who is irene???? so mega selos naman ako, kala ko me bago na cya gf or nililigawan. then one afternoon, nakasakay ako sa jeep, nakita ko sa billboard yung movie na Me, Myself, and Irene! ay, sobrang nakakahiya talaga at natawa na lang ako sa sarili ko for being jealous with Irene. hehehe

Alhmar - ang president ng org nung pumasok kami. leader yan. maraming ideas. hehehe... yung kotse nya alaga kong kutkutin yung mga bilog sa seat cover... hehehe... naka-tatlo na akong tanggal dun.. peace! san na ba yun??? gamit namin yung car na yun hanggang park square sa paghahanap ng german cockroach at dis-oras ng gabi eh naghahanap sa mga restaurant ng ipis na ibebenta.

Kay-anne - mama kay ang tawag ko jan. parang nanay namin yan. sweet at maalaga. pero pag tinopak eh topak talaga. hehehe. humihingi ako sa kanya ng advice at cya yung nagsabi sakin dati na "ok lang kung makalunok ka ng uod ng atis kasi di namam mabubuhay yun sa tyan mo...". hehe, oo nga, buhay pa ko ngaun eh.

11. ang dorm life... masaya ako sa dorm! lalo na sa Men's dorm. super daming memories dun. ang mga naging friends ko na di makakalimutan...

sa room 3108

anne - ate anne ang tawag ko jan. magkalapit lang kami ng birthday kaya di ko makakalimutan yan. cya ang nag-introduce sa kin sa PMA. kasi nung nasa dorm kami, lagi cya pinapadalhan ni Francis ng mga thingies galing PMA at pinakilala nya sa kin si Van. ayun, ganun din nangyari samin. maraming nagkakagusto jan ke anne kasi maganda na, matalino pa. one time, nag LOA cya kasi inoperahan sa scoliosis. dinalaw namin sa sta. teresita hospital at madaling araw na kami nakarating. ewan ko ba kung pano kami nakarating dun, di ko na matandaan. ako, si sigred at baby ang magkakasama. basta nagtanong-tanong lang kami nun. sa room namin, cya ang unang nagka-celphone. kaya lang nanakaw pero binilhan cya ulit ng daddy nya ng bago. lagi yang kumakain ng rice. di daw kasi pwede na hindi rice ang kainin kasi papagalitan cya ng dad nya. ang favorite ulam namin? papus siomai!

sigred - unang kita ko sa kanya, natakot ako kasi di namamansin. seryoso. pero nung tumagal, ay naku, luka rin pala! hehehe... kaming tatlo ang magkakasamang nakikipag-sulatang sa mga taga PMA nung panahong yon. naaalala ko sina maki, cachuela at robi pag naiisip ko si sigj... hehehe... yang si sigj, mahilig din kumanta at sa favorite namin na savage garden. pero mahilig din sa mga worship songs yan. me binigay yan sakin dati na tobacco na galing ilocos... andito pa rin yun!

baby - ang bunso sa room namin. ang bata pa nito nun, pero ngayon, teacher na rin. maganda at mabait yan. tahimik pero me sense of humor din naman. lagi silang magkasama ni mae nun.

sa kabilang room... 3107

shane - lagi ako natutulog sa bed nya. kasi naman, ang lamig at ang sarap humiga. minsan tabi kami, minsan pag wala cya, ako na lang. hehe... may kakambal yan pero sa ibang campus nag-aral. mabait at malambing yan

sai - ang batang maraming shoes! as in! laging me nagpapadala ng flowers galing sa mga suitors. mabait at sweet na bata.

cathy, bart, and cherry - mga negosyante ang mga to. mabait at makulit din minsan. di kami gaano naging close eh.

di ko malilimutan sa dorm nung 19th birthday ko. kasi may occasion nun sa dorm (yung perfect 10) tas pagpunta ko sa room namin walang tao. sa kabilang room, wala rin. so ako, ang lungkot ko kasi wala man lang nag-greet sakin eh bday ko. tapos nung nakahiga na ko, papatulog na, aba, biglang nagsipasok at me dalang cake at bugong chicken! ay, na touch naman ako sobra! happy talaga ako nun!

one time nagre-review kami para sa exam kasi finals week na. eh brownout kaya kandila at flashlight lang ang gamit namin pag review. eh yung guard, nagche-check yun ng doors kaya maririnig mo yung hakbang nya. kakatapos lang mag-round ng guard tas me narinig ulit kaming steps. nagtataka kami kasi kung yung guard yon, dapat me ilaw kasi brownout at madilim. kaso wala! so nagtatanong kami, sino yun? wla naman dormer na maglalakad dis-oras ng gabi sa hallway. at puro pa babae sa unit namin at katabing unit.... hmmm....

sa Women's Dorm
sina van, melissa, lalaine, ang mga makukuliit kong roommates... trip namin ang pagkain ng cerelac... minsan lang kami magkita kasi halos lagi na rin ako nauwi kasi thesis na lang ako nung time na yon. ang tawag nila sa akin ay antit gawa nung stuffed toy ko na Antit ang name.
12. ang paboritong kainin pagkatapos ng klase, PROVEN sa may white house! adik kami sa proven nina cha! kaya naman ayun, lumobo na... hehehe

13. kapag walang gaanong budget, ang best kainan ay ang Anklers. marami pang rice ang serving tas pwede half order ng ulam. masarap din naman!

14. noon, maliit pa lang ang lugar ng papus' siomai. mga tatlo o apat na mesa pa lang ata yun tapos isang makitid na pintuan ang dadaanan mo. paglabas pawis na pawis dahil mainit na sa loob, mainit pa ang siomai! sarap!

15. nagtanim kami ng palay sa HORT. haha... masaya pala yun! kaya lang cympre pag yun ang work mo, nakakapagod din. hehehe

16. isang beses during febfair, nag-inuman. di ko kinaya kaya ayun, nagsuka. kala ko hulas na ko. at naku, dahil hilo-hilo pa, nahulog ako sa hukay. pero mababaw lang naman kaya ok lang. hehe

17. malapit na ang break at konti na lang ang mga tao. kuhanan ng class card nun. kakakuha ko lang ng card ko sa Comm III at dahil sa sobrang tuwa dahil 1.0 ang nakuha ko, nagmamadali ako sa pagbaba ng hagdan. ayun, nahulog tuloy ako! mga 5 steps ang tinamblingan ko... pero di naman ako nasaktan. ewan ko ba... salamat na lang sa angel ko..

18. yung isa kong prof sa hort, sabi ni cha, kamuka ni jeff... at ni jet pangan. hehe... alamin nyo na lang kung sino...

19. naranasang matulog sa lab nung nagti-thesis. kasama ko pa si nanay nun. at dis-oras ng gabi at madaling-araw eh nangunguha kami ng mango leaf hopper. sobra akong pinahirapan ng thesis ko! ay naku, talaga naman! gusto ko na nga mag-change ng adviser nun pero cge lang... ayun, kinaya naman after all the inis and arrgggg!!! yoko na isipin!

20. bumaksak ako sa chem 40 (organic chem)!!! ay naku, hate ko talaga yun! kasi naman yung prof namin assuming na lahat kami eh alam na ang basic kasi karamihan sa mga classmates namin eh chem eng. pucha, first time ko yun!!! at yun na ang last subj na binagsak ko dahil i swore talaga na di ko mapapatawad ang sarili ko kung me susunod pa!

21. ang bookstore sa SU... dun ako lagi namimili ng pocketbooks at murang magazines. mahilig talaga akong magbasa (nung time na yon)...

22. ang mais con yelo sa sizzlers... sarap!

23. nag concert ang freestyle nung 1999 at ang ticket nila P99 din. di pa sila gaanong sikat nun. bago pa lang kasi sila. kasama ko si mephi nun nanood at madaling araw na kami umuwi. ayun, sangkatutak na sermon ang inabot ko sa nanay ko

nung concert ng south border, wala akong pera kaya di ako nakabili ng tikcet. pero dahil kay phillip jarilla, nakakuha ako ng compli ticket kasi microsoc ang host. ayun, nakanood naman ako. kasama ko nun si kuya pao.

eheads concert, nakalapit ako kay eli at nagpa-sign sa shirt ko. enjoy talaga nung gabi na yon!

side a concert, ahhh... the best! grabe nakaka-inlove ang songs! bago pa lang nila ata yung will i ever nun...

parokya, hayz, di ako nakanood kasi di ko feel. pero since nasa tapat lang halos kami ng baker hall, rinig namin ang mga kanta... so para na rin kaming nanood ng concert.

24. nag-attempt ako pumasok sa soro... naka-ilang report na ako sa members and alumni pero nagpa-defer ako. kasi nagsa-suffer na ang studies ko nun. at konti na lang babagsak na ako sa bio30 ko. saka, i dont see the essence of what they ask me to do na service daw, eh sa tingin ko, hindi naman. kaya ayun, di ako tumuloy. that was the time na parang bigla akong nagbalik sa totoong mundo. nun ko na-realize na malapit na ang pasko at me mga xmas lights na sa paligid.
after a year, sa ibang soro ako pumasok and mas worth it naman ang pagsali ko dun kesa sa previous.

25. dayds - small but terrible. mabait, sweet at super thoughtful sa lahat. kahit nasa negros na cya, nagpapadala pa rin ng card pag bday at xmas. she's like a sister to me at everytime pumupunta ako ng bacolod, never ko malimutan na dumalaw sa kanila. thanks ng marami!

gen & she - ang dalawang naging ka-close ko sa blockmates. makulit, mabait, at maganda! nagkahiwalay lang kami nung nag-major na pero nagkikita pa rin naman minsan. pag kumakain kami sa mcdo, laging banana ketchup ang hinihingi namin. mas masarap kasi kesa tomato. tapos pag konto lang ang binigay, nagsusulat kami ng note sa receipt at sasabihin na "el niño na naman sa ketchup ang mcdo!" hehehe...miss u guys!

paolo - kuya pao ang tawag ko jan. palabiro at mabait. lagi ako nililiko... lalo na nung after ko mag debut. hahaha... ang gift nya sa kin? SHOT GLASS! hehehe... niyaya nya ako once sa hop at enjoy naman. magkasama kami nagpunta kina christian sa lucban during his wake.

26. sa devc subject nakapag-try ako mag-DJ. nakakatuwa pala ang feeling. kelangan pa talaga ng script at practice para ma-minimize ang mali at maiwasan ang dead air... ang masaya nun, i got to play my favorite songs over the radio (DZLB). tapos me info pa about sa songs na yun. kaya lang nawala na yung recod ng tape ng broadcast ko. di na nasoli ni mam vega.

27. ang walang humpay na panghuhuli ng mga insekto lalo na ng ipis para i-dissect.. kasi kung bibili pa eh P5 ang isa... sayang din yun!


***eto na lang muna... antok na ako eh...
sa mga di ko nabangit, next time na lang... *** 23:57 7/14/09

Jul
9

you never died... 'coz you're still here in my heart...

Jul
6


di ko talaga inakala na meron pa kong pera after na ma-scam ako.
pagbukas ko ng cabinet, nakita ko yung mga alkansya ko na may lamang 10 peso coins.
ayan, worth 8k pa pala yun!
grabe, nalimutan ko na yung naipon ko way back 2003 nung nasa negros pa ko.
pero cympre, di ko gagastusin yan...

Plurk

Followers

About this blog

Labels