28. minsang umakyat sa flat rocks na ang suot ay boots! kaya nyo yon? hehehe kasi naman, walang pasok kaya naki-join sa class ni sir cadapan. ayun, sakit ng paa ang inabot!
29. nawala ang wallet ko. january 5, 2000, tuesday. di ko alam kung sa jeep ba o sa crop prot lecture hall. ayun, walang allowance for the whole week. buti na lang at nakapamili na ako ng food nang monday kaya me nakain din naman nang isang linggo. di ako umuwi para humingi ng pera kasi magagalit nanay ko. umutang muna ako kay shirley ng P50 at yun ang ginastos ko till friday. naglakad na lang pag uwian after skul at wala munang gastos na kahit ano. salamat na lang at walang masyadong pina-xerox na handouts nung time na yon..whew! I SURVIVED!!!
30. nagselos sa isang sis kasi close cya sa mga naging crush ko... wag nyo na po alamin... past na yun! hehehe
31. minsang mag-dinner sa Salad Country, nainis sa isang brod kasi pinaalis ako sa upuan kasi gustong paupuin si jc. eh i was eating na kaya... ayun, mega inis talaga that night.... hehehe... again, tapos na po yun! just for laughs!
32. sinundo ako ni LANCER sa haus at nabangga ang car nya... konting gasgas lang naman... hiya talaga ako! medyo naging close kami pero di rin naging ok kasi magkaiba kami ng trip.
33. bday ni LANCER at sinulatan nina LMDR, Ben, Len, Cha at Chinit yung P10 bill ng happy birthday! haha... as if ako yung me birthday... january 25 yon...
34. during the homecoming 2001, may pindala si mam cervancia na honey... nalimutan ng isang brod yung honey kaya akin na lang.... alam nyo ba kung sinong brod yun??? hehehe... wag magagalit! si BEN... hehehe
35. ang makasaysayang EDSA 2! ay grabe, napasabit at ayun, derecho na! isa pa ako sa may hawak ng box ng zesto tas pag titigil ang jeep sa highway, bababa kami at kakatok sa mga bintana ng ssakyan... para saan ang money??? pamasahi pauwi! hehehe... ayun, successful naman ang movement, napatalsik si Erap.. awts!
36. isang beses, february 14 nun. sumama sa mob ng No to TFI (tuition fee increase) sa mendiola. kasama sina cha and chinit nun. hehehe... me exam pa ako ng gabi sa ansc kaya kahit di pa tapos ang program sa mendiola, ti-nry makauwi. pero di na nakaabot sa exam... kinabukasan, ayaw kami pakunin ng exam ni sir peñalba kasi absent daw kami. pero in the end nanalo din kami at binigyan ng special exam.
37. nanood ng Miss SAIgon with ate aimee, kuya henry, ang chang marvs... feb 3, 2001. nakow, pano naman ang motif ay semi-formal. so ako nanghiram pa ng damit ke len. ayun, suot na kami ng aming mga kaganda-gandang damit. aba, pagdating dun, pucha, me naka-maong at shirt pa! tapos nakatapat pa kami sa aircon kaya ginaw na ginaw kami. buti na lang at me shawl si chang kaya kahit pano natakpan ang mga likod namin! grrrr talaga!!!
38. nanood ng cathouse with sisses and brods... hehehe... ayun, pinagtawanan ang mga characters!!! pano, para naman kasing ewan yung mga tao dun sa movie...
39. natalo ang entomsoc sa finals ng basketball girls kasi na-injure si cha... hay... sayang...
40. nagtrip kami sa nagcarlan.interview ng mga nagtatrabaho at residents dun. tapos hiking sa bundok habang kumakain ng saging... kaya lang na-sprain ako tas buti na lang etong mabait na brod ko na si Darwin eh minassage naman ang paa ko...ayun, okey naman. hehehe...
41. nalungkot ang isang brod nung magpunta sa states ang isang sis... alam nyo na kung sino yun! pero cyempre kami rin nalungkot kasi umalis cya, a day before her birthday. kaya nung birthday nya, di namin alam kung magcelebrate ba o hindi... kasi wala ang celebrant.
42. Parolan sa elbi... nanalo si shem na Ms. Parolan. cympre happy kami noh! buti na nga lang at natapos kami ni LMDR ng exam sa microbio kaya nakaabot pa rin kami sa program. sakto nga na si shem yung nagsasalita about our parol...
43. sino ba naman ang hindi makakalimot sa Oblation Run... well, babae, lalaki, at mga ka-federayon ay nanonood nyan, studyante man o prof. hehehe... maraming variations, bahala ka nang tumingin. well, hanggang tingin lang naman talaga yun eh. then after ng tour nila sa whole campus, mag line-up sa harap ng humanities bldg at gagayahin si oble. pyesta na naman ang mga lola mo!
44. naalala ko na naman ang dorm... masarap maligo sa dorm, laging warm water ipapaligo mo. tapos sa gabi, kelangan mong mag-ipon kasi sinasara nila ang tangke ng tubig kaya hanggang 9 or 10 lang me tubig. pag umaga naman mga 5 or 5:30 pa magkakatubig.
may curfew sa dorm. kailangan mong mag-late permit kung di ka makakauwi ng before 10pm. cympre me reason kung bakit... diskarte mo na yun. eh minsan kahit walang late permit, nakakapasok pa rin dahil sa friendly guard. hehehe
ang tuna sandwich ni ate zen sa men's dorm. chalap, chalap!!!
open house tuwing february ang masaya! kung sino-sino ang pumupunta sa rooms at naghahanda ng food para sa mga bisita. one time, nagluto kami ng lumpiang shanghai sa room na ang gamit ay rice cooker. hehehe... ayun, okei pa naman ang rice cooker. hehehe
45. ang walang kamatayang old notes ng mga brods ang sisses na hinihiram pag malapit na ang exam. o kaya naman yung mga old lab activities lalo na sa mahihirap na subjects. advantage talaga kung me org ka... hehehe...
46. nauubos ang pera ko kakapa-xerox ng notes and reading materials. star copy ang paborito ng mga prof na iwanan ng mga notes nila. pag naman tinatamad kang kumopya ng lecture, pwede ring hiramin ang notes ng classmate at ipa-photo copy
47. minsan nagkita kami ni rey mcdarwin sa freedom park. ayun, kwentuhan sa gitna ng field. biglang umulan. akalain mo, wlang tumayo sa min... basa kung basa! lakas ng trip! buti na lang hindi gaano matagal kaya di kmi masyado nabasa.
48. nanood kami ni cha ng sine. ang baon namin ay cake na binili sa mernel's. ang problema, pano namin kakainin ang cake? alangan naman na kamayin namin! so, sabi ko, punta kami sa jollibee. bumili kami ng drinks at humingi ng spoons ang forks... ayun, solve ang problema! nanood ng sine at kumain ng cake habang nanonood! enjoy!
49. ang tindahan ni ate viols sa biosci na patok na patok sa mga estudyante. ang paborito ko dun eh carbonara at sandwich. hehehe... sarap!
50. sa UP, walang uniform. kaya naman kung ano-ano ang sinsuot ng mga tao. jeans, shirt, casual, formal, pambahay, at kung ano-ano pa. pag marami pang damit, ayan, mga pants pa at okei na shirt ang suot. pero pag wala nang maisuot, lumalabas na ng skirt at bestida... hehehe... no choice kasi!
minsan napagtripan namin ni sigred na mag-suot ng high school uniform sa campus. pero di ko kinaya suotin ang blouse kaya yung skirt na lang... okei naman, nung pagsakay ko ng tricycle sa may amin, akala ng driver high school pa ko kaya dun ako sa skul ko ng high school ako dadalhin. kaya sabi ko manong, di na po ako dun nag-aaral... graduate na po ako... hehehe :-)
Jul
19
Posted by
mixtures
0 comments:
Post a Comment